Got the news from Greenpinoy, na merong Jokefest for the Dateless sa Club Intramuros. Kung may date ka naman, at gustong mag wear ng black attire, dun ka sa Global City pumunta ~ may libreng dandruff shampoo, magkasabay pala sila ng araw, feb. 16.
Sa tinagal tagal ko nang blogger, ngayon palang din ako naka attend ng event hosted by a fellow blogista ^_^. Hehe ~ Technically may date ako nun e, pero ok lang naman daw umattend kahit hindi ka “dateless”.
After shift tambay muna kami saglit ni Fred sa Festival Mall (Alabang). Mga 4pm, tinahak na namin ang traffic palabas ng Las Pinas sakay ng bus papuntang Lawton. Nag taxi papuntang Intramuros, kaso di alam ni Manong driver yung venue, kaya magkamali na kami ng baba. Sa labas daw ng Intramuros yung Club Intramuros. Sa may Golf Course daw. Waw! Layu! Napagod ang kawawang side car driver sa pag hatid sa amin, 100 ang siningil ~ syet!
Sa Roof Deck ginanap yung event, may live band, may stand up comedians at mga nang-ookray na bading. Laugh Trip rin talaga~ Na meet din namin sa wakas si Jason aka Greenpinoy, Jeck at Clang, Clare, at mga ka-office mates ni GP na regulars sa Oi Greenpinoy! May sarili na nga kaming “Greenpinoy Table” dun e. Hehe.
more pics after the jump ^_^

jubilant
cynical

