I had no date yesterday - may work, and I really wanted to go home early kahapon and i don’t know why… Eitherway, I had an early date with my College Friends last Feb 9, at ngayon ko lang ito naipost kasi na-lonely ako kahapon.. Nyahhaha!
Nald (naka-cap), Alehn (yung naka salamin) and I watched Alien vs Predator then. Kahit di ako mahilig sa mga Aliens na bigla nalang lumalabas sa dibdib ng mga binibiktima, o kaya sa Reggae Predator na mukhang bigla nalang magsasabi na “Yhes Man!”, o dahil sa bumabahang “gooey uhog remnants” ~ mga pinag iwanang bakas ng Alien.. Yak. Watch nalang din ang lola mo, mas ok na siguro yun kesa sa american version ng The Eye. Hehe.
Next ~ nag arcade kami! Oo parang highschool lang. Haha ~ May pinalaro akong game kay Alehn, yung may mga Girls na naka-attire, tapos ang goal mo, mawala yung “attire” nila. May video ito ~ sana maiupload ko dito. ^_^ Diba sa mga arcade merong pairs, yung pwedeng player 1 vs player 2, yung talikuran. Nilaro din namin yun! Play kami ng Rival Schools, Tekken, Marvel vs Capcom at KoF. Oo!! Old school~ haha. Empre panalo lagi si Alehn ~ adeek yun e. ^_^ Nag reminise narin ako nung mga panahong merong Ren vs Paul “what-if” battles. Sayang di ko nalaro yung Time Crisis. Nyaaa! nakakamiss talaga ~
Sunod nag Videoke kami ^_^ haha! Off key lagi si Alehn kaya kaya nag rarap nalang sya. Broken Hearted songs naman ang sinasabayan ni Nald. Ako nakiki sing along sa kung ano mang trip nilang kantahin. Hehe. In fairness may pasok pa kinabukasan si Alehn (TSR) , at bumibirit ng “Dubidoo” ng Kamikazee~ Mawawalan ng boses yun!
Late nang nakasunod si Karen, buti nalang nandun din sa mall yung call center nila. Kumain kami sa Tokyo Tokyo ~ ^_^ Mayrong “libreng” Imago Tumbler para sa mga mag uupgrade ng Red Ice Tea. Wow! Fave band ko pala ang endorser nila. Ayuss!!
Pag uwi, naki kopya si Nald ng mga pics nuong College sa PC ko. Mga panahong officers pa kami ng JPCS, San Sebastian Recoletos de Cavite Chapter - buuin ba ?
Mga panahong payat pa kami ~ este ako lang pala, mga panahong ang pinoproblema ko lang ay pamasahe at pampili ng text book. Sarap mag reminise.. Haay.. tumatanda na nga kami.



aww…(misses high school~) more fun to have a date with a group imbes na magmukmok ng mag-isa…
yep true yan sats ^_^ ~ nakakatuwa rin nga na we can still find time to get together, kahit na busy kaming lahat sa trabaho